Wednesday, August 29, 2007

away-bata

nandito na naman ako.. magkukwento ulit ng tungkol sa buhay ko. dati, masaya ako pag meron akong bagong ipo-post sa blog na 'to. pero ngayon, ewan ko ba! haha! hindi naman kasi masaya yung nangyari.. hay! ano ba, gigay? common sense naman..

actually, wala ako sa mood magkwento ngayon. hehe! pero inisip ko, baka sakaling mabasa nya 'to..so, go on. i'm taking the risk. sige, ayos lang na mabasa nyo..

i and someone got a problem.. misunderstanding lang naman yun eh! pero it struck me kasi this is the first time that we fight over something. hindi ko alam kung bakit ako pa yata yung mas guilty although i'm saying over a hundred times that i'm not the one to blame. i know it's just a simple problem that can be solved in a peaceful conversation. pero paano? we just talk over the phone and through text.. i don't think it's wise to make up over that stupid kind of communication. hindi ko alam kung kelan kami magkikita.. at kung paano kami magkakabati. it's scaring me. do i have to make the first move? but it's not my fault anyway.. i'm now torn up between my two sides fighting all the way through. for now, i can't do something. pero i know, maaayos din ang lahat..hay!

naalala ko tuloy yung childhood days ko. lagi kaming nag-aaway nung mga kalaro ko nun. minsan, nagkasabunutan pa kami ng bestfriend ko nang dahil lang sa chinese garter.. hehe! "wala..madaya ka.. sabi ko, walang kaling hanggang hips. dapat out ka na!" sabi ko na may pagka-bossy pa nun. sabi naman ng bestfriend ko, "kelan mo yun sinabi? gusto mo lang makatira kagad eh! ikaw nga dyan yung madaya." ayun, nagkagalit-galit kami.. pero after an hour lang, bati na ulit kami. tapos, naalala ko pa yung time na nagpicnic kami ng mga ka-tropa ko. sumama samin yung isang bata na sobrang takaw.. tapos, ang ginawa ko, hindi ko sya pinakain ng mga snacks namin. ayun, umiyak sya. then, after some time, naawa naman ako. kaya nagkabati narin kami. meron pa! nung naglalaro naman kami ng taguang-tsinelas, napagtripan kong kunin yung tsinelas ng kalaro ko tapos nilagay ko sa basurahan para hindi makita. inabot na sya ng gabi sa paghahanap nun.. binigay ko rin naman tsaka samin ko na sya pinakain kasi napagod sya ng husto..

ganyan mag-away ang mga bata. away-bati, away-bati. nagtutuksuhan, nag-iirapan, kampi-kampihan.. pero sa huli, sila parin ang magkakaibigan. yan ang mga bata eh! madaling magpatawad.. madaling makalimot.. madaling makipag-ayos at madaling makipagbati.

sana ganyan nalang din kami mag-away noh? yung sandali lang, ayos na ang lahat.. yung wala nang aalalahanin at iintindihin.. yung wala nang iisiping problema. alam ko namang hindi na kami bata eh.. hay naku!!

sana lang maayos na 'to,

0 comments: