heto na naman tayo, nagkukwentuhan tungko lsa lagat ng bagay. inaantok ka na pero nagtityaga ka paring kausapin ako. hindi ko alam kung bakit laging sakto ang mga tawag mo. siguro, nasesense mong kailangan kita. lagi mo nalang akong napapatawa. ang bangag kasi nating mag-usap eh. parang tanga lang.
hayan ka na naman, nakikinig sa mga kwento kong paulit-ulit naman. alam kong nauumay ka na dahil puro lovelife ang kinukwento ko. palagi kasing iyon ang problema ko. pero di ka parin nagsasawang makinig sa mga himutok ng puso ko.
pag kasama kita, parang ang dali lang ng buhay. beer at kwentuhan lang ang katapat ng lahat ng problema. kung ikaw sana ang minahal ko, edi solve na ang lovelife ko. hindi ko na sana iniiyakan ngayon ang mabisyo kong boyfriend. ay teka, mabisyo ka nga din pala! haha!
anyway, kahit mabisyo ka, mas naiintindihan mo naman ako. lagi mong tinatanong kung okaii lang ako kasi alam mong hindi. tapos, lagi ka lang to the rescue sa emotera mong friend - ako syempre. hindi ko nga alam kung nahihirapan ka na sakin eh. ako na hindi na nawalan ng problema. ako na reklamador. ako na iyakin.
salamat kasi hanggang ngayon, nandyan ka parin. sana lang wag kang magsawang patawanin ako. sa panahong ito, ikaw ang closest friend ko. pag nawala ka pa, aba, mawawala ang kabangagan ko. haha!
tulad kanina, napahalkhak na naman ako dahil sa yo. lol. masaya na ako kahit papano. kahit badtrip na naman ako dahil sa boyfriend kong mabisyo. hay! pasensya ka na, bangag na naman ako.
Labels: friendship, love